• HOME
  • PHOTO GALLERY
  • THE GREEN CROSS SAGA
  • CASE PROGRESS
  • HOME
  • PHOTO GALLERY
  • THE GREEN CROSS SAGA
  • CASE PROGRESS
Homepage > Archives > 2014 > Sobrang Bait na Matanda โ€“ Abante
July 15, 2014  |  By greencrosssaga_admin In 2014, Archives

Sobrang Bait na Matanda โ€“ Abante

Si Gonzalo Co, isang 94-anyos na imbentor na nagsimula ng Gonzalo Laboratories na gumawa ng Green Cross Rubbing Alcohol at Zonrox. Siya ang kuya ng apat niyang mga kapatid na kanyang pinasok sa kanyang kumpanya.

Ang malungkot na nangyari kay Gonzalo ay ang kanya mismong mga kapatid na sa awa niya sa kanila ay binigyan niya ng trabaho sa kanyang kumpanya ay pinagsamantalahan ang kanyang kabaitan at inangkin ang kanyang tinayong Gonzalo Laboratories (na naging Green Cross, Inc.) Ang kanyang trademark sa kanyang dinebelop noon pang 1952 ay wala na rin sa pangalan niya dahil sa isang corrupt na babaeng hearing officer ng Intellectual Property Office sa Taguig.

Sa ngayon, ang kanyang mga kapatid ay nakatira sa mansion sa Ayala Alabang, habang ang kuya nila na nagsimula ng lahat at nagpayaman sa kanila ay nasa Pasay pa rin ang bahay.

Sa ngayon, ang nilalakad sa Intellectual Property Office (IPO) ni Gonzalo Co ay ang kanyang mga trademark para sa Green Cross Alcohol at Zonrox.

Nagulat na lamang ang matanda dahil sa preliminary conference pa lamang, ang hearing office na isa ring abogada ay binalewala at hindi tinanggap ang mga dokumento ng matanda na nagpapatunay na siya ang may-ari ng trademark ng Green Cross at Zonrox.

Ang lahat ng ebidensiya ng matanda ay binalewala ng babae kahit sa IPO naman ay hindi nila sinusunod ang technical rules of evidence na ginagamit sa mga korte. Halos lahat ng patunay ng matanda na siya ang may-ari ng trademark ay binalewala. Nagreklamo siya ngunit ayaw siyang pagbigyan ng hearing officer.

Kaya, sinampahan ni Gonzalo ng kaso sa Ombudsman ang babaeng abogada ng IPO. Humihingi ng paliwanag ang Ombudsman sa abogada ba dapat niyang sagutin ngayong linggo. Mabuti naman at may lakas pa ang matanda na kaya pa niyang ipaglaban ang kanyang karapatan. Ayon na rin sa mga katrabaho nitong babaeng abogada, mahilig ang babae sa mga mamahaling damit, sapatos at alahas kung kaya siya ang pinipili ng maraming abogado na maging hearing officer sa mga kaso nila sa IPO. Madali yatang kausapin basta may lagay.

Akala ko pa naman, walang corrupt sa IPO gaya ng Taguig na ayon sa kanilang alkalde ay โ€œWalang Korup sa Taguig.โ€

Previous StoryBusinessman Files Graft Case vs. IPO Hearing Officer โ€“ The Manila Times
Next StoryThe IPO and the Ombudsman โ€“ Philippine Daily Inquirer

Related Articles

  • greencrossgoestoipo
    Green Cross Case Goes to IPO โ€“ Philippine Daily Inquirer
  • updatesonlegal
    Updates on the Legal Battle for Green Cross โ€“ Manila Standard

Recent Posts

  • Green Cross Case Goes to IPO โ€“ Philippine Daily Inquirer March 4, 2017
  • Updates on the Legal Battle for Green Cross โ€“ Manila Standard January 21, 2017
  • SC Revives Ownership Issue on Green Cross โ€“ Manila Bulletin December 8, 2016
  • Co Familyโ€™s Dispute Over Green Cross Continues โ€“ Business World December 7, 2016
  • Legal Battle Over Green Cross Ownership Continues โ€“ Business Mirror November 27, 2016

Recent Comments

    Archives

    • March 2017
    • January 2017
    • December 2016
    • November 2016
    • November 2014
    • September 2014
    • August 2014
    • July 2014
    • January 2011

    Categories

    • 2011
    • 2014
    • 2016
    • 2017
    • Archives

    HOME
    PHOTO GALLERY
    THE GREEN CROSS SAGA
    CASE PROGRESS
    Copyright ยฉ The Green Cross Saga
    Website Designed and Developed by: Global WebForce
    Privacy|Terms & Conditions